Maaawa ba ako sa kanila? Manghihinayang ba ako? Sa lahat ng napatay na nakipagbarilan: Hindi. Leksyon yan sa mga arogante at takaw-away. Pwede namang magpasensyahan sa daloy ng sasakyan, nanggalaiti pa. Pwede namang magpalampasan, nagsunuran pa at nagbabaan. Pwede namang hindi kumuha ng baril at resbak, pero ginawa. Pwede namang mag-usap ng maayos, pero hindi ginawa.
Hindi ko alam kung may kinalaman sa politika ang shootout sa palengke sa Imus noong Linggo ng gabi. That's not the point. Ang punto ko, angmura ng buhay. Mura ang buhay pero Masyadong mahal ang sentido kumon at hindi ito kayang bilhin ng ibang tao, gayong kaya nilang bumili ng mga armas, mga kotse, pati negosyo at puwesto sa palengke. Ah, baka akala nila lahat sila may anting-anting.
Sana tapos na ang giyera ng dalawang pamilya. Senator Bong Revilla, ano masasabi mo sa action scene na ito sa bayan mo?
Hindi na bago ang ganitong mga pangyayari. Pero still ay surprising na umabot sa anim ang binawian ng buhay dahil lamang sa isang simpleng sigalot sa trapiko.
ReplyDeleteOk lang, at least nabawasan bobo at maaangas sa mundo.
ReplyDeleteTsk. Tsk. Ang babaw nila.
ReplyDelete