Wednesday, June 10, 2009

Bong Revilla in Hollywood?


Noon palang March e naanyayahan si Bong Revilla para mabigyan ng award mula sa mga Pinoy sa Hollywood.  May kinalaman kaya ito sa pagiging maangas nya kay Alec Baldwin noong isang buwan? Baka nagkaroon sya ng complex na domain na rin nya ang Hollywood kaya ganun. Speculation ko lang to ha, don't take my word for it.

Naisip ko lang, bakit ambilis natin magreact pag may foreign show/article na nagbanggit ng kahit ano tungkol sating mga Pinoy? Samantalang tayo anlakas mang-stereotype. Ang maiitim, ke African o Afro-American e tinatawag nating ulikba. Sa mga palabas natin, laging bulol ang mga Chinese att tinatawagg rin natin silang "tsekwa". Tinatawag nating "sakang" ang mga Hapon. Ang tingin natin sa lahat ng Indian national e nagbebenta ng hulugang payong at nagpapautang ng 5-6. Madalas tayo mag-impersonate ng mga Islamic at Indian na tao tapos hihirit tayo ng "dibidi dibidi". Palibhasa lang hindi umaabot sa ibang bansa ang karaniwang pelikulang pinoy kaya hindi nila nawi-witness ang mga ito.

Mabanggit ko lang. Maraming episodes ang Family Guy at American Dad na nabanggit ang "Filipino" o "Filipina". 'Yung ilan tulad ng "I'm pretty sure the Filipina nurse took my wallet" e pwedeng sabihing offensive. 'Yung iba obvious namang katuwaan lang at nabanggit lang tayo tulad ng kung paano nababanggit occassionaly ang "Mexican" o "Korean". Sa ibang viewers baka nakakainis yun, kasi hindi tayo sanay nababanggit ang "Filipino" sa mga palabas sa ibang bansa. Hahanap ako ng clips (sana may makita) tapos ipopost ko dito. Kayo na lang humusga.


Revilla to receive award from Fil-Am group in Hollywood

MANILA, Philippines -- Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. will fly to the United States this week to receive an award for his achievement as an actor and a politician from a Hollywood-based Filipino multi-media company called NuVision Worldwide Media.

According to a statement from his office released Tuesday, Revilla will receive the 2008 Filipino-American Vision Award for Courage and Honor.

“This star-studded red carpet event will showcase the best Filipino achievers and entertainers in the Philippines and the United States,” said NuVision chairman and chief executive officer Ramil Gonzales.

Read the full article in http://newsinfo.inquirer.net/topstories/topstories/view/20080304-122741/Revilla-to-receive-award-from-Fil-Am-group-in-Hollywood


No comments:

Post a Comment